GCash System Error: The Day I Lost my ₱4,000 Pesos - Making Sense of Pesos

Latest

Someday It's Gonna Make Sense

Sunday, November 10, 2024

GCash System Error: The Day I Lost my ₱4,000 Pesos

GCash System Error: The Day I Lost my P4,000 pesos

Losing money is never easy, lalo na kung pinaghirapan mo ito. Recently, I experienced something truly heartbreaking when 4,000 disappeared from my GCash account. Nakakaiyak, kasi ito ang kinita ko sa paggawa ng crochet keychains. And what made it worse? Hindi lang ako ang nakaranas nito—marami pang ibang tao, pati na rin celebrities, ang nawalan ng pera sa GCash noong araw na iyon.

Here’s what happened, bakit naging struggle ang pag-file ng report, at ang ginawa ko pagkatapos.

Ang Kwento ng Nawalang 
4,000

Isang madaling araw, napansin ko na nabawasan ng ₱4,000  ang GCash balance ko. Walang OTP, walang links na na-click, pero nawala pa rin ang pera ko. Ang nakakainis pa, may ₱500 pang natira sa account ko—parang nahihiya pa ang nang-scam!

Noong chineck ko ang mga number na pinagsendan, walang existing GCash accounts. System error ba 'to? O scam?

At hindi lang ako ang biktima. Sa social media, nagkalat ang mga posts ng ibang GCash users na nawalan din ng pera sa parehong araw. May mga nawalan ng libo-libo, at pati na rin ilang celebrities, nasaid ang laman ng GCash accounts nila. Nakakagalit, diba?

Pahirapang Report sa GCash

Kung may ganitong problema ka, alam mo na hindi biro ang pag-file ng report sa GCash. It took me several days of back-and-forth communication para maayos ang issue.

UPDATE: Binalik na nila ang 
3,000, pero bakit hindi buo? Tumubo pa sila ng P,000 sa akin, huh! Lol.

Sa wakas, naibalik din ang nawawalang 
1,000 after kong makapagreport ng another ticket sa GCash app. Pero grabe ang hassle. Ang dami ko pa ring tanong sa system nila—paano nangyari ito kung walang unauthorized access?


GCash System Error: The Day I Lost my P4,000 pesos

Ang Lesson: Laging Maging Alerto

Kung tulad ko, mahilig ka rin mag-online transactions or may small business ka, here are some GCash safety tips para iwas problema:

  • Huwag mag-click ng unknown links. Kahit pa mukhang legit ang text o email.
  • I-enable ang GCash notifications. Para alam mo kung may unauthorized transactions.
  • Secure your PIN. Never share it with anyone, kahit sa customer service.
  • Transfer your funds regularly. Para kahit magkaroon ng system error, minimal ang mawawala.
  • Mag-monitor ng mga balita. Kapag may isyu na reported sa GCash o ibang platforms, mas mabuting mag-ingat o mag-transfer ng funds agad.

Goodbye muna sa GCash

Sa ngayon, ililipat ko muna ang funds ko sa ibang platforms. Trust is everything pagdating sa financial apps, and after this experience, mahirap na akong magtiwala ulit.

Sana maayos ng GCash ang kanilang security features at customer support. Nakakalungkot isipin na marami pa ring nawalan ng pera sa ganitong paraan.

Ikaw? Nawalan ka rin ba ng pera sa GCash? Anong ginawa mo para maibalik ito?

Share your experience below—baka makatulong tayo sa iba!

No comments:

Post a Comment